Karanasan sa paglangoy
Nagsimula ito noong ako ay apat na taong gulang pa lamang. Isinasali ako at ang aking dalawa pang kapatid ng aking mga magulang sa swimming lessons tuwing bakasyon. Ang tuwing bakasyon lang na pag tuturo sa amin ay naging araw araw nang sumali kami sa swim team. Mula nang mapabilang kami sa isang samahan, nahikayat kaming sumali sa mga kompetisyon. Ang una kong sabak doon ay noong ako ay mga nasa 7 taong gulang pa lamang. Naging malaking parte ito ng aking pag laki. Sa aking pag langoy at pagsali sa mga kompetisyon nahubong ang aking lakas ng loob at bilib sa sarili. Kasama na din dito ang pagkakilala ng mga kaibigan na hihikayatin at papalakasin ang loob mo sa tuwing lalaban ka. May pagkakataong mananalo, mayroon ding panahon na natatalo. Masarap sa pakiramdam na nanjan ang mga ka-team mo para sayo kahit anong mangyari at para hikayatin kang gawin ang lahat ng makakaya mo. At ang pinaka masarap na pakiramdam sa lahat ay yung sinusuportahan ka ng magulang mo sa lahat ng ginagawa mo. Kapag nanalo ay nanjan sila upang masayang batiin ka sa iyong pagkapanalo, at kapag natalo naman ay nanjan padin sila at masayang sasalubong dahil sa napaka husay na ginawa mo. Na kahit nahuli ka ay mapapangiti ka padin dahil alam mong pinagmamalaki ka padin nila dahil ginawa mo ang lahat ng makakaya mo. Para sa akin ayos lang na matalo dahil tulad nga ng laging sinasabi ni mama sa amin, "Basta't nagenjoy ka, panalo ka na :)"

No comments:
Post a Comment